Natatanging Ama 2009

Ang barangay Dangcol, bagama’t malayo sa Poblacion ng Lungsod ng Balanga, ay may maipagpupuring mga mamamayan na marunong dumakila sa Diyos at masunurin sa batas. Ikinararangal ko bilang Kapitan ng Barangay Dangcol na iharap sa inyo an gaming Natatanging Ama ng Barangay na si G. NESTOR RODENAS MARDO.

Si G. Mardo ay ipinanganak sa Mendez, cavite noong 1ka-30 ng Abril, 1924. Nakaisang- dibdib nya ang mabait na si Remedios de Leon na tubong Tenejero, Balanga City. Sila ay pinagkalooban ng Dakilang Lumikha ng tatlong matatalinong anak na nasipagtapos ng mga kursong B.S. Architecture, B.S. Civil Engineering at B.S. Medical Technology. Ang unang dalawa ay nagtapos sa Far Eastern University at ang huli ay sa Martinez Memorial College sa Maynila.

Sa edad nyang 85, mababakas pa rin ang kanyang pagsisiskap ng marangal sa pagtataguyod ng kanyang mga anak. Nabanggit ni G. Mardo na bagama’t wala na syang hanap-buhay ngayon at ang pinagkukunan na lamang niya ng ikabubuhay ay ang maliit na pension mula sa Philippine Veteran’s Affairs Office (PVAO), hindi naman niya napapabayaan ang kanyang mga anak.

Comments