OPISYAL NA LOGO NG BARANGAY DANGCOL (pinagtibay ng Kautusan Bilang 10 Serye 2008) Ang logo ng Barangay Dangcol ay sumasagisag sa mga sumusunod: 1. Ang apat na malalaking sinag ng araw ay sumasagisag sa apat na malalaking purok. 2. Ang limang maliliit na sinag ng araw ay sumasagisag sa pagkakahati- hati ng limang maliliit na purok. 3. Ang bundok naman ang syang sumasagisag sa likas na yamang lupa na biyaya ng Poong Maykapal, ng kung saan isa ring dinarayo ng mga turista upang pagmasdan ang kagandahan nito at kuhanan ng litrato. 4. Ang kabukiran, puno ng niyog, saging at mangga ang syang sumisimbolo sa pagkakakilanlan ng Barangay Dangcol pagdating sa agrikultura. 5. Ang ilog naman ang syang sumasagisag na ang aming lugar ay napaliligiran ng yamang tubig. |